Pakinggan sa iTunes at sa Spotify
MANILA, Philippines – Kung paniniwalaan ang salaysay ng dating pulis na si Eduardo Acierto, hindi na kailangang lumayo si Presidente Rodrigo Duterte para humanap ng mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Acierto, may kinalaman ang dating presidential economic adviser na si Michael Yang sa operasyon ng ilegal na droga sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Nakalahad ang lahat ng ito sa isang intelligence report na ipinasa niya sa kanyang mga superior sa Philippine National Police.
Ngunit inihayag ni Acierto na ang report na ito ay hindi pinansin diumano ng gobyerno. Hindi rin nagkaroon ng mas malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad ukol dito. (READ: Ex-cop Acierto speaks out: Duterte, PNP ignored intel on Michael Yang's drug links)
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng Senate reporter na si Camille Elemia, police reporter Rambo Talabong, at researcher-writer na si Jodesz Gavilan ang iba't ibang aspeto ng kontrobersiyang ito.
Bakit dapat bigyang-pansin ang alegasyong ito? Ano ang implikasyon ng mga pahayag ni Acierto laban kay Yang at sa war on drugs ni Duterte? – Rappler.com
PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int'l Criminal Court
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?