MANILA, Philippines – Isang panibagong dagok na naman ang tinanggap ng oposisyon at ilang kritiko ng Duterte administration: inciting to sedition.
Humaharap si Vice President Leni Robredo at 35 na iba pang indibidwal sa inciting to sedition complaints patungkol sa diumanong Project Sodoma, base sa testimonya ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy.
Ayon kay Advincula, may conspiracy para ipataob ang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng viral videos tungkol sa ilegal na droga.
Ngunit marami ang nag-aalala na ang reklamong ito ay bahagi na naman ng mas malawak na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na patahimikin ang oposisyon at dissent sa bansa.
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng police reporter na si Rambo Talabong, justice reporter Lian Buan, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba't ibang isyung nakapalibot sa inciting to sedition complaint at kung ano ang implikasyon nito sa demokrasya sa Pilipinas.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- May silbi ba ang diplomatic protest laban sa China?
- Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez
- Makakalusot ba si Ronald Cardema ng Duterte Youth sa Kongreso?
- Impunity in the West Philippine Sea
- Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?
- Bakit mahalagang mailabas ang Tokhang documents?
- Ang doble-plaka law bilang panakip butas sa mga patayan
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int'l Criminal Court