Quantcast
Channel: Newsbreak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8635

[PODCAST] Bakit di dapat balewalain ang harassment ng China malapit sa Panatag Shoal?

$
0
0

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify.)

MANILA, Philippines – May panibagong insidente ng harassment sa West Philippine Sea kamakailan, at kagagawan ito ng diumano'y isang Chinese "naval warship" laban sa isang commercial ship na minamando ng mga Filipino. 

Ayon kay Captain Manolo Ebora, bumabaybay ang Green Aura crude oil tanker malapit sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal) sa may Zambales noong September 30 nang bigla itong makatanggap ng radio call na nag-uutos sa kanilang magbago ng direksiyon. (READ: EXCLUSIVE: Chinese 'naval warship' harasses Filipino-crewed ship near Scarborough Shoal)

Hindi nagpatinag si Ebora at kinuwestiyon ang utos. Iginiit niyang may right to innocent passage ang kanilang barko, at hindi pag-aari ng China ang lugar.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi raw ito interes ng Pilipinas dahil hindi naman isang Filipino vessel ang sangkot. Ang Green Aura ay barkong Griyego na rehistrado sa Liberia. 

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina defense reporter JC Gotinga at researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit mali ang pahayag na ito ni Panelo.

Ano ang maaaring gawin ng gobyerno sa insidenteng ito? Pakinggan ang podcast. 

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8635

Trending Articles