Quantcast
Channel: Newsbreak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8641

[PODCAST] Dapat nga bang ibasura na ang Visiting Forces Agreement?

$
0
0

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify.

MANILA, Philippines – Napunta na naman sa ilalim ng spotlight ang controversial na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Iniutos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA pagkatapos lumabas ang balitang kinansela ng US ang visa ni Senador Ronald dela Rosa – isa sa mga ally ni Duterte at ang chief architect ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga. 

Hindi ito ang unang beses na may nagtangkang magbasura sa VFA. Ang pagkakaiba lamang, ayon sa mga kritiko ng administrasyon, lehitimo ang dahilan ng mga nakaraang oposisyon.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina defense reporter JC Gotinga, foreign affairs reporter Sofia Tomacruz, at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano nga ba ang VFA, ano ang nakukuha ng bansa mula rito, kung kailangan ba talaga ito ng Pilipinas, at kung dapat na nga ba itong ibasura. 

Ano ang posibleng implikasyon kung matuloy ang pagsasalawang-bisa ng VFA? Pasok ba sa kapangyarihan ni Duterte bilang pangulo ang pagtigil nito? Pakinggan sa podcast na ito.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Photo by Ben Nabong/Rappler

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8641

Trending Articles