Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify
MANILA, Philippines – Mahal magkasakit ng COVID-19.
Maliban sa problemang dinudulot nito sa kalusugan, dagdag pa rito ang gastos na maaaring pasakit sa maraming Pilipino. Hindi mura magpagamot, lalo na sa mga pribadong ospital, na minsa'y lagpas pa sa P1 milyon ang bayarin.
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang bulto ng gastos sa ospital para sa mga tinamaan ng COVID-19, at ano ang mga paraan ng gobyerno ng pagtulong dito.
Sa umpisa, ang gastos sa ospital ay sagot lahat ng PhilHealth. Ito ay nagbago simula April 15. Ngunit ayon kay Magsambol:
Kasi ang sinasabi dito ni PhilHealth, kailangan daw din nila i-manage ang gastos for the long term kasi hindi daw nila alam kung hanggang kailan matatapos itong pandemic na ito. At marami pa ring sakit o ailments na nakadepende sa PhilHealth. Kasi di ba under the Universal Health Care, sagot ka ni PhilHealth kapag nagkasakit ka.
Paano kung walang PhilHealth o insurance ang maysakit? Ano ang mangyayari? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.
Pakinggan ang iba pang episodes on the novel coronavirus outbreak:
- Coronavirus: Bakit kailangang palayain ang mga low-risk, may sakit, elderly prisoners?
- Coronavirus: May sapat ba na pera ba ang Duterte gov't para sa response?
- Coronavirus: Ang delayed response ni President Rodrigo Duterte
- Coronavirus: Dapat na bang mag-mass testing sa Pilipinas?
- Coronavirus: Ano ang matututunan ng Pilipinas mula sa Singapore?
- Coronavirus: Ano ang mga responsibilidad ng local officials?
- Coronavirus: Paano nagkakaroon ng travel bans?
- Coronavirus: Handa ba ang Pilipinas na harapan ito?