Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on iTunes, Spotify, Soundcloud, and Anchor.
Ngayong ika-25 ng Pebrero ang ika-35 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos noong 1986.
Ito ay malaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at naging hakbang upang maranasan muli ng mga Pilipino ang demokrasya.
Sa episode na ito, tatalakayin nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano nga ba itinuturo sa mga eskwelahan ang Martial Law at EDSA People Power Revolution.
Bakit nga ba dapat pag-aralan ang mga pangyayari noong Martial Law? Ayon kay Magsambol:
It’s important because how can we raise the future leaders of this country to love their country and work towards nation-building if they have a false sense of Philippine history, kung meron silang incomplete picture of how we got here? Kung hindi natin ito ituturo, kung hindi nila alam kung anong nangyari sa dark chapter of Philippine history, we will keep repeating the same mistakes. We will keep electing the wrong people, and we will keep propagating the cycle of oppression. Kasi never natin matututunan kung ano ang katotohanan kung hindi natin ituturo sa mga bata. It’s really important that at a very young age, Filipinos are educated kung ano ang katotohanan.
Ano ang best practices upang mas lalong maipalaganap ang mga aral mula sa ating kasaysayan?
Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Bakit mapanganib ang bagong Coast Guard Law ng China?
- Bakit nagmahal ang mga bilihin ngayong pandemya?
- May patutunguhan ba ang muling pagsusulong sa charter change sa ilalim ni Duterte?
- Bakit delikadong wakasan ang 1989 UP-DND accord?
- Ano ang dapat malaman tungkol sa bagong COVID-19 variants?
- Gaano pa katagal maghihintay ang Pilipinas para sa coronavirus vaccine?
- 2020: Ang pandemya at mga isyung hinarap ni Duterte
- Duterte 2020: Pagyurak sa demokrasya at karapatang pantao
- Paano naiiba ang disaster response ni Robredo kay Duterte?
- Bakit si Debold Sinas ang piniling maging bagong PNP chief?