Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Pormal na hiniling ng tagausig ng International Criminal Court (ICC) ang pagbubukas ng imbestigasyon sa giyera kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbunga ng maraming pagpatay at paglabag sa karapatang pantao, o crimes against humanity.
Isinagawa ito kahit tumiwalag na sa ICC ang Pilipinas nitong 2019, at makaraan ang maraming pang-iinsulto ni Duterte kay dating prosecutor Fatou Bensouda.
Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler editor-at-large Marites Vitug, justice reporter Lian Buan, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang bagong hakbang ng ICC hinggil sa mga patayan sa ilalim ni Duterte.
Ano ba ang pagkakaiba sa gagawin ng ICC at sa paghawak ng hudikatura sa Pilipinas sa mga kasong ito? Ayon kay Buan:
Siguro the most important distinction that Filipinos need to etch in their minds is the difference between the ICC’s kumbaga concept and the concept of filing cases here in the national courts. P’wedeng sabihin ng Malacañang na, ‘Meron naman tayong Kian delos Santos,’ and p’wedeng sabihin ng DOJ (Department of Justice) na there are now 81 pending and existing criminal complaints filed against erring policemen. But those are individual cases. Ang concept ng ICC, it’s a systematic crime against humanity by murder. So prosecutor Fatou Bensouda, as she said in her report, she’s looking and she wants the pre-trial chamber to look at a pattern of kung may grand modus, may similar actors, may violent statements, may concealment of reports. It’s a systematic pattern in order for a crime against humanity by murder to occur. May mga tao sa ‘taas na kumumpas para mangyari ang isang widespread crime against humanity. It’s a crime against a specific targeted population, and that’s not what individual cases deal with. Kasi kapag nag-file ka ng complaint dito, it’s just one person, one victim, one lower-rank colonel or major. The ICC, as a concept, deals with a system, a pattern, of a crime against humanity.
Dahil ayaw makipagtulungan ng gobyernong Duterte, importanteng handa ang mga grupo ng mga abogado at human rights defenders na patuloy na bantayan at mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga napatay sa drug war. Ayon kay Vitug:
Ang challenge talaga…because, in the last year of Duterte, dahil walang cooperation diyan, it’s really more for our local human rights groups and lawyers groups to really do the hard work of trying to get as much corroborations as they can for all the witness testimonies. Kasi hindi tayo magkukulang sa testimonies ng witnesses, kailangan lang talaga ng corroboration. So iyon ang hard work. If the Philippine National Police, rank and file, will keep in mind na their future is also at stake dito sa ICC, hindi lang iyong bosses nila, then hopefully their conscience will speak to them, and they will cooperate. You know, documents, video footage, audio conversations, iyan ang mga dream corroboration for all the witnesses who have testified.
Ano ang titingnan ng ICC pre-trial chamber para tuluyang buksan ang imbestigasyon?
Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
- Halalan 2022 sa gitna ng pandemya
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas
- ‘Nanlaban’: Ang paulit-ulit na salaysay ng mga pulis