Quantcast
Channel: Newsbreak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8641

PANOORIN: Paano magparehistro bilang botante habang may pandemya?

$
0
0

Nangangamoy halalan na sa Pilipinas. Sa Mayo 2022, pipili ulit tayo ng mga bagong lider na ihahalal sa iba’t-ibang puwesto sa gobyerno. 

Sa panahong marami tayong kinakaharap na mga isyu tulad ng COVID-19 pandemic, mahalagang tama at tapat sa serbisyo ang ihahalal nating mga lider.

Ang unang hakbang sa pagboto ay pagpaparehistro. Sa Setyembre 30 na ang deadline ng voter registration, kaya’t kung hindi mo pa alam paano, we got you! Panoorin ang video na ito.

Kung pagod ka na sa kaliwa’t kanang korupsiyon, pamamaslang ng mga inosenteng tao, at mga walang patutunguhang speech sa hatinggabi, panahon na para baguhin ito. Gamitin ang karapatan mong bumoto.

#WeDecide: Atin ang Pilipinas. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8641

Trending Articles